Leksyon ng Eleksyon
Bandera Editorial
HANGGA’t may pag-asang manalo, tatakbo sa halalan ang politiko. Palalakihin ang pag-asang ito, baka nga naman manalo. “Baka nga naman…” Siyempre, kailangan may pera. Kahit “konti,” basta milyones (walang halaga na ngayon ang P50 milyon, kaya’t kulang pa ito). Pero, malaki ang leksyon na iniwan ng nakalipas na eleksyon sa mayayamang talunan. Ang sinumang sasabak sa ganito kalawak na eleksyon ay, naturalmente, alam ang mga nangyari sa nagdaang mga eleksyon. Alam nila na kailangang piliin nang husto ang pagkakatiwalaan sa pera (higit sa lahat). Alam nila ang pagkakatiwalaan ng pangangalap ng lider sa “ibaba,” at lalagakan ng tiwala para matiyak na ang kanyang nais na mahalal ay malalaman at aalalahanin ng mga nasa ibaba. At siya na nga ang iboboto ng ibaba. http://ping.fm/VAVSH
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment