I-Click ang larawan para sa www.bandera.ph

I-Click ang larawan para sa Bandera Blogs

Bandera Gallery

Hatid sa inyo ng Bandera Tabloid - Philippine entertainment tabloid online : Philippines pictures / photos ng mga events, news, politics, elections 2010 at marami pang iba.

Wednesday, March 17, 2010

Dasal sa Mayo

AMA namin sa langit, humihingi kami ng inyong kapatawaran at gabay sa aming patutunguhan sa Mayo.
Alam naming galit Ka na sa amin dahil binihisan ng ating mga pinuno ang demonyo para maging banal, katanggap-tanggap at kagalang-galang. Nariyan sila sa lahat ng sulok, sa Malacanang, Senado, Kamara at maging sa aming barangay.
Naglaho na nga ang pansariling kabanalan at baligtad na ang modo natin ngayon.
Pinagkakitaan ng nagpapakilalang banal at mga lider ang mahihirap at tinawag itong kanilang kawan.
Itinaas nila ang antas ng katamaran at binigyan pa ang mga batugan ng relief assistance.
Pinatay nila ang nasa sinapupunan at tinawag itong pagpaplano.
Kinalimutan at tuluyan nang tinalikuran ang pagdidisiplina sa kabataan at tinawag itong pagpapaubaya para makapamili sila ng sarili nilang buhay.
READ MORE >>>

Bandera, 031710

No comments:

Post a Comment